Bata, patay sa hit-and-run, 5 kasamahan, sugatan

 

Nasugbu, Batangas.jpg

NASUGBU, Batangas – PATAY ang isang 5-taong gulang na bata samantalang sugatan ang tatlong iba pa matapos mabiktima ng hit and run sa bayang ito noong Sadabo ng umaga, Enero 13.

Sa imbestigasyon ni Police Office 3 Ramon Sale, duty investigator ng Nasugbu Police, tumatawid umano na national highway sakop ng Brgy. Lumbangan bandang alas-6:20 ng umaga nang mabundol ng humaha-gibis na isang pulang Hyundai vehicle ang mga biktima ngunit sa halip na saklolohan ay iniwan ng suspek at mabilis na humarurot palayo sa pasilangang direksyon.

Bunsod ng matinding pagkakabundol, hindi na nakaabot ng buhay sa Jabez Medical Center ang batang nakilalang si Hazel Ann Agapay y Marasigan ng Brgy. Lumbangan. Matindindi ring mag sugat ang tinamo ng kaniyang inang nakilalang si Anna Marie Marasigan-Agapay, 30 anyos an isinugod sa Apacible Memorial Medical Center.

Bahagya ring nasugatan ang dalawang biktimang sina Aaliyah Marasigan, at Chloe Belle Marasigan, kapwa 6 na taong gulang at mga residente ng MDSS Pasay City.

Hanggang sa sandaling sinusulat ang balitang ito, patuloy pa ring pinaghahanap ng Nasugbu PNP ang suspek sa nasabing insidente.| JOENALD M. RAYOS