Anti-ENDO Bill, aprubado na sa Kamara

abu endo
Ang Batangas Una sa Karapatan ng Manggagawa. SA ilalim ng pamumu-no ni Batangas Congressman at Deputy Speaker Raneo Abu sa sesyon ng Kongreso noong Lunes ang panukalang batas na magta-takda ng kinasanayang end of contract (endo) policy ng mga nag-eempleyo. Si Abu ay isa rin sa mga nag-akda ng nasabing panukalang batas. .|TMA

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na tatapos umano sa kontraktwalisasyon.

Sa botong 199-7 at walang abstention, inaprubahan ang House bill 6908 na mag-aamyenda sa Presidential Decree 442 , ang Labor Code of the Philippines.

“This will help strengthen the security of tenure of private sector employees to end labor-only contracting and end of contract or endo,” ani House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, isa sa may-akda ng panukala.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang labor only contracting kung saan ang isang kontraktor ay walang puhunan, kagamitan na kailangan sa trabaho at walang kontrol sa kung ano ang ginagawang trabaho ng kanyang mga empleyadong ipinasok sa isang kompanya.

Kabilang sa pitong (7) hindi pumabor sa panukalang batas ang mga nasa militanteng Makabayan bloc o mga kinatawan ng mga party-lists groups na Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan at Alliance of Concerned Teachers.|#BALIKAS_News

Batangas City team, pasok sa 1st Maharlika Philippine Basketball League

basketball.jpg

Ni JERSON J. SANCHEZ

ISA ang Batangas City-Tanduay sa 10 koponan na kalahok sa kauna-unahang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na binuksan sa Smart Araneta Coliseum nitong January 25 sa pangunguna ng founder ng liga na si Senator at boxing  icon Manny Pacquiao.

Ang siyam pang kalahok na koponan ay galing sa Bataan, Bulacan, Caloocan, Imus, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Quezon City, at Valenzuela.

Ayon kay Pacquiao, layunin ng liga na bumalik sa ‘grassroot level’ ang larong basketball upang mabigyan ng oportunidad ang mga magagaling na basketball players sa buong Pilipinas na  makapaglaro sa Philippine Basketball Association( PBA).

basketball 2.jpg

“Kung mapapansin po natin, halos lahat ng players sa PBA ay nanggagaling sa colleges at universities sa Pilipinas. Subalit paano naman po yung mga magagaling na manlalaro na walang kakayahang mag-aral dahil sa hirap sa buhay? Dito po pumapasok ang MPBL. Ang mabigyan sila ng oportunidad na maipakita ang kanilang galing sa larong basketball,” sabi  ni Pacquiao.

Itinalaga bilang commissioner ng liga si dating PBA superstar Kenneth Duremdes. Makakasama niya bilang Operations Manager ang isa ring dating PBA player na si Zaldy Realubit. Tumatayong Overall Head of Production and Marketing ang kilalang talent manager na si Arnold Vegafria.

Dumalo sa  nasabing event  si Batangas 5th District Representative Marvey Marino upang magbigay ng suporta sa koponan ng Batangas City-Tanduay. Nagsalita rin si Mariño sa dugout upang magbigay ng pep talk at siguraduhin sa team na buong-buo ang suporta ng lunsod sa kanilang magiging laban sa MPBL.

“Hindi mahalaga kung sakaling matalo dahil ito  ay kasama sa lahat ng paligsahan. Ang mahalaga, ibigay nyo lahat ng makakaya at huwag aayaw, dahil ito ang tatak ng isang tunay na Batangueño,” dagdag pa ng congressman.

Kasama  ni Mariño si ABC President Angelito Dondon Dimacuha, Team Manager Guilberto Alea at ang team owner ng Tanduay na si Mr. Bong Tan.

Ilan sa mga ‘homegrown players’ ng lunsod na napasama sa final cut ng Batangas City-Tanduay ay sina Joco Macasaet at Cesar Atilarez ng Sta. Clara, Marvin Macalalad ng Gulod Labac at Francis Pedrosa ng Barangay Alangilan.

Nagsilbing muse ng koponan si 2018 Bb. Lunsod ng Batangas Queenie Espeleta.

Ang MPBL ay lalaruin sa iba’t ibang venues sa mga probinsiya ng mga kasaling koponan. Ito ay single-round robin lamang. Ang magiging kampeon sa Luzon o Northern Leg ng torneo ay haharapin naman ang magiging kampeon sa Viz-Min o Southern Leg ng liga. Ang magwawagi dito ang tatanghaling kauna-unahang Maharlika Pilipinasa Basketball League champion.|#BALIKAS_News